MABISANG KOMUNIKASYON Lesson 1. powerpoint
发布时间:2026-09-21 | 浏览:1
6 / 31 Most read
9 / 31 Most read
12 / 31 Most read
More Related Content
Similar to MABISANG KOMUNIKASYON Lesson 1. powerpoint
MABISANG KOMUNIKASYON Lesson 1. powerpoint
1. MABISANG KOMUNIKAS YON
2. MAGBIGAY KA!
3. TEKSTONG PASULAT, PASALITA, AT
5. • ANO ANG WIKANG OPISYAL? • ANO ANG KAUGNAYAN NITO SA ARALIN NATIN?
6. WIKANG OPISYAL Ito ay isang wika na binigyan ng bukod tanging istatus sa saligang batas ng mga bansa, estado at iba pang teritoryo. Ito ang itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan.
7. WIKANG OPISYAL ARTIKULO XIV, SEK. 7 NG KONSTITUSYONG 1987 Ang wikang Opisyal ng Pilipinas ay FIILIPINO AT INGLES. Opsyonal lamang ang wikang Kastila, Arabik at wikang panrehiyon.
8. WIKANG OPISYAL Ang Wikang Opisyal ang wikang gagamitin natin sa paggawa ng iba’t ibang teksto. Ang Wikang Opisyal ang gagamitin natin sa pakikipagkomunikasyon pasulat man o pasalita.
9. ANO NGA BA ANG TEKSTO? Ang teksto ay isang koleksiyon ng mga salita, pangungusap, at simbolo na ginagamit upang maghatid ng mensahe, impormasyon o ideya. Maaari itong nakasulat o nakalimbag sa iba’t ibang anyo tulad ng libro, artikulo, email, chat, o post sa social media.
10. ANO NGA BA ANG TEKSTO? Maaari din itong bigkasin ng pasalita o dagdagan ng iba pang mga element tulad ng mga larawan o audio. Isa itong mahalagang bahagi ng komunikasyon at ginagamit sa iba’t ibang larangan tulad ng panitikan, edukasyon, Negosyo, at tenolohiya.
11. URI NG TEKSTO Tektsong Impormatibo Tektsong Deskriptibo Tektsong Nanghihikayat
12. tekstong impormatibo • Nagsisilbing pangunahing sanggunian ng isang mananaliksik. • Naglalahad ng mga bagong puntos o kaalaman tungkol sa isang paksa. • Ang sumusulat ng isang tekstong impormatibo ay may sapat na kaalaman sa paksa. • Tekstong di-piksiyon o kathang-isip lamang. • Gumagamit ng wikang pormal
13. IBA’T IBANG IMPORMASYONG NAKUKUHA MULA SA ISANG TEKSTONG IMPORMATIBO: 1.Impormasyong hango sa isang sangguniang nasaliksik -kaalamang mula sa nasaliksik ng sumulat ng teksto. 2. Impormasyong natuklasan buhat sa tekstong binabasa -Maraming teksto ang nagiging pangunahing sanggunian ng kaalaman
14. IBA’T IBANG IMPORMASYONG NAKUKUHA MULA SA ISANG TEKSTONG IMPORMATIBO: 3. Impormasyong nauugnay sa isang realidad na naging impormatibo -May mga impormasyong nahahango sa teksto at naiuugnay sa kasalukuyang estado ng buhay na malaon ay nagagamit sa realidad. 4. Impormasyong bago buhay sa mas malalim pang pananaliksik ng sumulat -pagtuklas ng mga kaalaman
15. mga bahagi ng tekstong impormatibo Panimula (background) -Magsisilbing hudyat ng pagpapakilala sa paksang mayroon sa isang teksto. Pamungad na Pagtalakay sa Paksa -Nakasaad ang buwelo ng pagtalakay sa paksa. Graphical Representation -Mas mainam na maiintindihan ang pagtalakay sa isang paksa.
17. mga bahagi ng tekstong impormatibo Aktuwal na Pagtalakay sa Paksa -Dito nabubuo ang komprehensibong pagtalakay sa paksa. Mahahalagang Datos -Kasapatan ng datos -Patunay sa kaayusan at kabuluhan ng teksto Pagbanggit sa mga sangguniang ginamit -Etika ng pagsusulat lalo’t higit sa pananaliksik -May mga format o anyong dapat sundin.
18. mga bahagi ng tekstong impormatibo Paglalagom -Upang magkaroon ng sapat na pagkapit o pagkakaayon (consistency) ang isinagawang pagtalakay. Pagsulat ng Sanggunian -Sa bahaging ito inilililista o isinusulat ang lahat ng pinagsanggunian nang kompleto at buo ayon sa pagakagamit nito sa loob ng teksto.
19. TEKSTONG DESKRIPTIBO • May layuning bumuo ng imahen o larawan sa isipan ng mambabasa. • Gumagamit ng mga salitang panuring o nagalalarawan tulad ng pang-uri at pang-abay • Maaaring inilalarawan dito ang tao, bagay, pangyayari o sitwasyon, ideya, konsepto o ang isang kaisipan, at kilos na may mahalagang bisa sa paglalahad ng makabuluhang mensahe.
20. dalawang uri ng tekstong deskriptibo Karaniwang Paglalarawan • Kadalasang gumagamit ng mga payak na anyo ng pananalita sa paglalarawan. Mga Halimbawa: 1.Nakakalbo na ang ilang kabundukan sa Luzon. 2.Malakas ang hagupit ng hanging dala ng bagyo. 3.Buhat-buhat ng inang Aeta ang kanyang anak habang naglalakad sa kapatagan.
21. dalawang uri ng tekstong deskriptibo Masining na Paglalarawan • Gumagamit pa rin ng mga salitang panuring ang kaibahan lamang ay nasa mataas at mas mabulaklak na pamamaraan. • Ang paggamit ng larawang imahen ang nagiging dahilan ng pagkakaroon ng higit na mas malalim na pagbibigay- kahulugan sa isang imahen.
22. Magkasalo tayo sa isang hapag. Ikaw, sa kabilang kanto ng ating kinauupuan. Ako, sa iyong harapan. Humingi tayo sa serbedora ng ating pagsasaluhan. Inihain ang paborito nating pagkain. Sapat nang sulyapan ka samantalang ngumunguya ka. Sapat nang mapagsalo natin ang simpleng biyaya para sa ating dalawang may pusong tumutugma sa kalikasan ng pagmamahal.
23. Mahalagang tandaan Malikhaing imahinasyon ang kailangan upang maunawaan ang isang testong deskriptibo. Sa Tao Mapipintog ang kaniyang mga muscle. Usbong ang kaniyang kalamnan. Buo ang dibdib, bakat ang mga ugat.
25. Mahalagang tandaan Malikhaing imahinasyon ang kailangan upang maunawaan ang isang testong deskriptibo. Sa Bagay Makislap na animo’y hinugot sa pusod ng dagat na nabudburan ng lahat ng uri ng mga perlas. Makintab ang panlabas na anyo nito. Solido naman ang panloob na akala mong isang konkretong pundasyon.
27. Mahalagang tandaan Malikhaing imahinasyon ang kailangan upang maunawaan ang isang testong deskriptibo. Sa mga lugar Kasinlayo ng ibayo ang destinasyon ko. Hindi man tuwid ang mga daraanan, diretso lang dapat ang tingin upang matahak ang landas ng patutunguhan. Akala mong malayo subalit hindi naman pala. Akala mong malapit subalit may pagtahak rin pala.
29. Sa mga ideya o konsepto Hindi mo malalaman kung ano ang dapat isipin o gawing desisyon. Ito ang bumabagabag sa aking diwa. Ito ang sumusulyal sa aking damdamin. ito ang nagpapagulo sa aking ulirat. Sa tuwing naiisip ko ito, halos pinupunit nito ang aking pagkatao. Sa tuwing nararamdaman ko ito, hinihiwalay ko ang aking katawan at kaluluwa. Bumabagabag ito sa aking kabuuan. Sa aking kamalayan.
31. Mga Estratehiya sa Mabisang Paglalarawan • Una, mahalagang pumili ng anggulong gagamitin sa paglalarawan. • Paggamit ng salitang naglalarawan na kaugnay sa mga pandama. • Sa masining na paglalarawan, makatutulong ang paggamit ng mga tayutay sa matatalinghagang pananalita.